Miyerkules, Marso 22, 2017

Bakit tinawag na Pinakbet?

Panimula:

  Ang pinakbet ay isang kilalang putahe ng mga taga-hilagang luzon. Ang mga sangkap nitong gulay ay naitatanim at naaani buwan-buwan. Tulad na lamang ng kalabasa, talong, okra, sitaw, kmatis at iba pa ay may sustansyang dulot sa ating katawan na nagbibigay ng lakas sa pang araw-araw. Ang pinakbet ay sumasalamin sa agrikultura at pamumuhay ng mga taga-hilagang luzon na kung saan hindi alintana ang init ng panahon o lamig ng panahon at madalas na makikita sa bakuran ng mga Ilokano. Sa rehiyon ng Ilocos matatagpuan ang pinakbet. Ang pinakbet ay isang salitang Ilokano na ang ibig-sabihin ay "pinakebbet" o pinatuyo. Ang pinakbet ay nagmula sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ito ay sinasahugan ng karne, isda, at iba pa. Baggoong o alamang ang karaniwang ginagamit bilang pampalasa.

Layunin:

 Ang pananaliksik na ito ay layunin kong makapagbigay alam at malaman kung saan nga ba nagmula ang pinakbet dahil sa panahon ngayon marami na ang nagsisilabasan na iba't-ibang uri ng pinakbet.

Katawan:

 Ang pamumuhay ng mga Ilokano ay simple at pagtatanim ang kanilang pangunahing hanap-buhay. Ang karaniwang pagkain ng mga Ilokano ay dinengdeng at tupig. Ang pinakbet ay sinisimbolo nito ang kasaysayan ng mga Ilokano. Ang pinakbet ang sikat na putahe ng mga Ilokano dahil ang mga sangkap nitong gulay ay karaniwang makikita sa mga bakuran ng mga Ilokano at naitatanim taon-taon. Sa paglipas ng panahon, araw, buwan, at taon, marami na ang nagsusulputang uri ng pinakbet. Inilalagay na rin ito sa "pizza", palaman sa tinapay. at iba pa na pwedeng gawin gamit ang pinakbet.

 Sinisimbolo ng pinakbet ang mga Ilokano at ang bawat pamilya. Sinisimbolo nito ang kanilang pagiging masipag sa pagtatanim at pagtratrabaho para sa kanilang pamilya. Ang pamilya ay parang isang pinakbet na kung saan ay mayroong ampalaya na nagsisilbing pagsubok sa isang pamilya, tamis ng kalabasa ang siyang magsisilbing lambingan at ang pampalasa ay ang kanilang pagmamahal sa isa't isa. Sinisimbolo rin nito ang rehiyon ng Ilocos.

 Sa pagluluto ng pinakbet kakailanganin ang mga sangkap na ito: bawang, sibuyas, luya, sitaw, okra, kamatis, talong, ampalaya, karne o isda bilang sahog, baggoong o alamang na nagbibigay lasa o buhay sa pinakbet at iba pang gulay. Unang ilalagay ang bawang, sibuyas at luya sa kawali sunod ang karne, hintayin ito hanggang sa maluto. Lagyan ng baggoong at hintayin hanggang dalawang minuto pagkatapos, ilagay na ang mga gulay. Pagkatapos ng tatlong minuto, lagyan na ito ng tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto. Kung kulang sa lasa, magdagdag ng pampalasa. Huwag itong lutuing maigi dahil mas masarap kapag katamtaman lamang. At ihanda habang mainit, dahil mas masarap kapag mainit at kasalo ang buong pamilya.

Pangwakas:

 Sa aking pananaliksik, ang pinakbet ay hindi lamang isang simpleng putahe kundi, mayroon din itong sinasalamin. Sinasalamin nito ang kasaysayan ng mga Ilokano at ang kanilang pamumuhay. Sa simpleng putaheng ito, makikita mo ang mga makukulay na gulay na parang isang pamilya na simpleng namumuhay sa pagtatanim. Nang dahil sa pananaliksik na ito, aking napagtanto na ang pagkain o putahe ay may kahulugan at may sinasalamin rin. Hindi lang pang rehiyon, pang bawat tao rin.

Sanggunian:

https://web.facebook.com/PinakebbetPinakbet/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pinakbet


Mga tanong.

1. Anu-anong uri ng pinakbet ang alam mo?

  • pinakbet Ilokano
  • pinakbet Tagalog

2. Saan ang orihinal na matatagpuan ang pinakbet?

  • Ilocos 
  • Baguio
  • Pangasinan
  • La Union
3. Ano ang mga  gulay sa pinakbet?

  • Kalabasa, sitaw, talong, okra, ampalaya, kamatis, atbp.
  • Kalabasa, carrot, talong, okra, repolyo, kamatis, atbp.
4. Anong uri ng dialekto ang salitang pinakbet?

  • Ilokano
  • Tagalog
  • Bolinao
  • Pangasinense
5. Saan nagmula ang salitang pinakbet?

  • pinakebet
  • pinakebbet
  • pakbet
  • pakebbet
6. Masarap ba ang pinakbet?

  • oo
  • medyo
  • hindi
7. Paborito mo ba ito?

  • oo
  • medyo
  • dati
  • hindi
8. Ano ang karaniwan mong sinasahog sa pinakbet?

  • karne
  • isda
  • iba pa
9. May sinasalamin ba ang pinakbet?

  • oo
  • ewan
  • siguro
  • wala
10. Ano ang sinasalamin ng pinakbet?

  • Pamumuhay ng mga taga- Ilocos
  • Walang salamin ang pinakbet
  • Hindi nagsasalamin ang pinakbet
  • Wala itong sinasalamin

2 komento:

  1. How to play Baccarat in Real Money - FEBCasino.com
    When playing Baccarat 제왕카지노 in real money 바카라 사이트 online casinos, you will see that this is one of 샌즈카지노 the easiest to learn betting rules online. It

    TumugonBurahin
  2. The Poker Room at Mohegan Sun - JTHub
    The 광주 출장안마 Poker Room at 춘천 출장샵 Mohegan 정읍 출장샵 Sun. 3131 Las Vegas Blvd. South Las Vegas, 김포 출장샵 NV 89109. 안동 출장마사지 Phone: 702-770-6133. (702) 770-8377.

    TumugonBurahin